Description
May hidden agenda si Delight kung bakit siya nagpapansin kay Corvus. At iyon ay ang isalba ang bakeshop nila na mawawala sa kanilang mag-anak anumang oras. Hindi naman masyadong masama ang intensyon niya para mapalapit sa lalaki. Kakaibiganin niya lang ito at saka hihingi ng tulong para huwag ituloy ng kapatid nitong galawin ang bakeshop nila. Iyon ang plano niya.
Subalit wala sa plano niya ang mapaibig sa kanya ang binata at lalong wala sa plano niya ang umibig din dito. Pagbibigyan ba niya ang sariling damdamin at kalimutan na lang ang tungkol sa orihinal niyang plano o sikilin ang puso dahil siguradong kamumuhian siya ni Corvus kapag nalaman ang totoo niyang intensyon?










Reviews
There are no reviews yet.